totoong homesickness
Coffee Break #330
Share this post!
Ganito pala ang feeling ng totong homesick:
Lalabas ka ng apartment mo tas kunwaring may bibilhin ka sa tindahan. Maglalakad ka papunta sa tindahan tas uupo ka lang sa labas tas kukunin mo ung tofiluk n nasa bulsa mo.
Hindi mo kukunin ung tofiluk kasi mahahawakan mo ung cellphone mo kaya ilalabas mo yun at iche-chek kung nagtxt ung mahal mo, e wala, so oopen mo ung create new message at itataype ang “i miss you”. Simpleng i miss you lang pero 20mins bago mo matapos itype ung letter U.
Lalo kang malulungkot kasi may prompt na wala ka na palang balance. Mapipilitan ka tuloy na bumili ng load sa tindahan na nasa likod mo pero mapapangiting-aso ka kasi ubus na daw.Ituturo ng tinderong bumbay ung nagiisang tindahan sa dulo ng kalye. (Mapapanganga ang normal na pinoy pag alam niyang madadaanan nya ung madilim na lugar na un – balitang may mga holdaper daw sa kalyeng yun at hindi ka mkakalampas ng buhay. ) Pero dahil homesick-patient ka , hindi mo maiisip matakot. Pipilitin mong kalimutang malungkot ka – na may namimis ka, na dapat mong maging masaya – na dapat maisend mo ung “i miss you” message mo.
Tatakbo ka sa madilim na kalye at mejo manginginig kasi sobrang lamig at nakashorts ka lang. Pagtitinginan ka ng mga arabong hayok sa lalake kaya mas bibilisan mong tumakbo.
Hihingal-hingal ka ngayong bibili ng load at iloload ang load. Isesend ang message. “Pakshet!” ang sasabhin mo kasi sending failed lage. Tatawagan mo nalang siya ngyon. “Badtrip! shet!” sisigaw ka ng mahinang sigaw kasi may konting luha na sa mata mo. Pipilitin mong kontakin ung number habang naglalakad ka pauwi. Re-dial ka lang ng re-dial hanggang sa mamalayan mong nasa gitna ka na ng madilim at delikadong lugar. Mapapatingin ka likod mo kung may sumusunod . Ganun din sa kaliwat kanan pero wala kang makikita.
Magugulat ka sa binatang arabong nasa loob ng kotseng toyota na biglang bubusina pagkalampas mo ng konte. Lalong bibilis tibok ng puso mo kasi magugulat ka. Lalong madadagdagan ang pagkabadtrip kasi makikita mong tinatawan ka ng matabang arabo. Hinidi mo maaaninag masyado ang muka pero alam mong tinatawanan ka nito kaya wala kang ibang maiisip kundi mabadtrip lalo. Kukulo ang dugo mo at papakyuhan mong bigla ang matabang arabo. Isang matinding pakyu.
Lalakad ka ulit, palayo sa otto ng arabo, pero mapapahinto ka kasi may maririnig kang sigaw na hindi mo maintindihan kasi arabic. Lilingunin mo ung sigaw at makikitang lumalakad papalapit sayo ung binatang arabong pinakyuhan mo. Alam mong galit sya at reding makipagaway. Sasabhin mo sa isip mo ang: “loko to ah! lakas ng loob. okay, tanggal ang homesick sigurado.” Bibilisan mong lumakad papalapit sa arabo at makikitang may tatlo palang kasama to – at may lalabas pang isa sa otto nila – bale lima sila. Matatakot ka na dapat siyempre pero wala kanang magagawa kasi eto na – magsisigawan na kayo sa gitna ng biglang lumiwanag na kalye. Hihinto kasi ung mga dumadaang sasakyan at maki-usyoso. Wala kang maiintindihan sa mga sasabi niya, ganun din ung arabo. Sensyasang walang kwenta ang gagawin niyong dalawa . Tatadyakan ka sa tiyan pero iilag ka. Aawatin siya ng kasama nyang arabo pero magpupumiglas para tadyakan ka ulit. Hindi niya magagawang tamaan ka kasi hihilahin siya ng dalawa pang arabo.
Sasabihin mong “buti nalang mabait ung mga kasama nitong loko nato” at sisigawan silang lahat ng “Jerks! you all are afraid!” ng may nginig na boses. Lalapit ang isang bangladeshi at aawat din sa arabong galit na galit. Magtataka ka kasi hindi ka aawatin. Pipiliting isakay ang nagwala-walang arabo sa otto nila kasi bosina na ng bosina yung mga naharangan niyo ng daan.
Lalakad ka ngayon ng mabilis paliko-pakanan sa isang maliit na kalsada. Tatakbo-lakad kang lumilingon-lingon. Mas bibilisan mong tumakbo nang makita mong nag u-turn ung otto ng kaaway mo – alam mong hinahanap ka. Liliko ka ulit sa susunod na kaliwang kanto – tanaw mo na ang apartment niyo. Lalakad-takbo ka ulit hanggan makita mong wala na ang toyotang kulay blue. Aakyat ka na sa apartment ng hihingal-hingal at manginginig hindi dahil sa lamig kundi sa kakaibang kaba.
Isesend ulit ang message pero magfi-fail.
Leave a Reply
What happened
Recent Comments
- mike on How to paint Androided PSP on Photoshop CS5
- MON on How to paint Androided PSP on Photoshop CS5
- mike on Toaster & Amoeba Monster
- ai on Frankie Doodle
- ai on Toaster & Amoeba Monster
- ai on Toilette Tea-bag
- ai on After Sports
- ai on House Rent
- mike on totoong homesickness
- mike on totoong homesickness




















































4 Responses to “totoong homesickness”
January 6th, 2012 - 7:39 am
sad naman… pero i like how you wrote it.
January 7th, 2012 - 6:14 am
you are very brave kuya mike! take care!
don’t worry you’ll go home soon!
January 7th, 2012 - 7:08 am
@Janet it’s not sad, it’s a cool experience! Tnx sa like
January 7th, 2012 - 7:19 am
@macon, brave hehehe im really scared
LOL! Yes, I will go home very soon:D